Advertisers
NAG-POSITIBO si Manila City Mayor Isko Moreno sa COVID-19.
Habang sinusulat ang balitang ito ay patungo na si Moreno Sta. Ana Hospital.
“Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” pahayag ni Moreno.
Tiniyak naman ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan na tuloy ang operasyon ng lokal na pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.
“Kapit lang. Tuloy ang buhay. Tuloy pa rin ang gobyerno sa Maynila. Umasa tayo, magtiwala tayo sa Diyos, makararaos din tayo,” sabi pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)