Advertisers

Advertisers

Misis nanganak sa vaccination facility sa Makati

0 295

Advertisers

ISANG ginang ang hindi na umabot sa ospital at napaanak na sa isang vaccination facility sa Makati City nitong Lunes.

Nanganak ang 26-anyos na ginang sa vaccination facility sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) main headquarters nang dalhin doon ng kanyang mister 5:27 ng hapon para sana humingi ng tulong.

Habang naghihintay ng ambulansya, naghanda ang vaccination team ng isang makeshift na delivery table. Makalipas ang 14 minuto, nanganak na ang ginang ng isang malusog na babaeng sanggol.



Nasa mabuting kalagayan ang mag-ina, ayon sa MMDA. Dinala sila kinalaunan sa malapit na ospital.

Sabi ng ama ng sanggol, dinala niya ang ginang sa isang lying-in clinic malapit sa Guadalupe Church ngunit sarado ito.



Pumunta sila sa kalapit na barangay hall ng Guadalupe Nuevo, kungsaan pinakiusapan silang maghintay muna. Dito na raw siya nagdesisyon na pumunta sa MMDA.

Pinuri naman ni MMDA chairperson Benhur Abalos ang ginawa ng vaccination team na tumulong sa ginang. (Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">