Advertisers

Advertisers

Covid update: 21,261 bagong kaso; 13,644 gumaling; 277 patay

0 196

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 21,261 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Setyembre 16.

Samantala ay mayroon namang naitalang 13,644 na gumaling at 277 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.7% (177,946) ang aktibong kaso, 90.7% (2,090,228) na ang gumaling, at 1.56% (36,018) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 14, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na nai-test at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.



Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">