Advertisers

Advertisers

6.5M deactivated voters hinimok ng Comelec magpa-reactivate

0 223

Advertisers

HINIMOK ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang may 6.5 milyong deactivated voters sa bansa na ipa-reactivate na ang kanilang rehistro upang makabotong muli sa May 2022 national and local elections.

Nabatid na ang mga naturang botante ay na-deactivate matapos na mabigong makaboto sa dalawang magkasunod na halalan sa bansa.

Ayon kay Guanzon, maaaring magpa-reactivate ng rehistro ang mga ito, sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa Comelec.



“We have 61 million registered voters, but there are around 6.5 million deactivated voters who can reactivate,” pahayag pa ni Guanzon, sa Laging Handa briefing.

“They can reactivate thru sending an email to the Comelec, it is [on] our website [at comelec.gov.ph]. The email of Comelec regional offices are there for those who were not able to vote for two consecutive national elections,” dagdag pa ng poll official.

Ang deadline para sa voter registration ay nakatakda nang magtapos sa Setyembre 30, 2021. (Andi Garcia)

Multi-day voting inalis na ng Comelec 
TULUYAN nang inalis ng Comelec ang kanilang plano na pagsasagawa ng dalawang araw na botohan sa halalan sa susunod na taon.

Saad ni Comelec Chairman Sheriff Abas, kabilang sa mga nakikita niyang rason ay dahil sa kawalan na ng oras upang amiyendahan ang 1987 Constitution.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, isasagawa ang national at local elections kada ikalawang Lunes sa buwan ng Mayo at isang araw lamang ang botohan.



Maliban dito, mayroon din umanong problema sa budget kaya naman malabo nang magsagawa ang Comelec ng multi-day na pagboto ng mga botante sa susunod na halalan. (Josephine Patricio)