Advertisers

Advertisers

Cayetano iginiit ang mas matibay na standards sa DPWH

0 16

Advertisers

Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mas matibay at pare-parehong pagpapatupad ng mga pamantayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH), mula sa disenyo at konstruksyon ng mga kalsada at tulay hanggang sa road safety, labor practices, at accessibility para sa publiko.

Sa budget briefing ng DPWH, sinabi ni Cayetano na kailangang palakasin ng ahensya ang mga pamantayan nito habang mas binibigyan ng awtonomiya ang mga regional at district office sa pagpapatupad ng mga infrastructure project.

“I think the number one role of the Bureau of Design in the central office is really to develop and enforce the standards. Standards for roads, standards for bridges… I just want you to know whether it’s the building code or the bureaus, I think they’re needed,” wika ni Cayetano.



Sinang-ayunan naman ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang pangangailangang palakasin ang standards sa ahensya, at kinilala ang mga kakulangan sa pagpapatupad nito.

“We are definitely looking at it and we want to strengthen the standards. From a small issue as road signs. We have some semblance of standards. But again, the implementation is really lacking,” wika ni Dizon.



Pero para kay Cayetano, hindi dapat hanggang engineering at disenyo lamang ang usapin ng standards. Dapat din aniyang may malinaw na pamantayan para maprotektahan ang mga manggagawang nagtatrabaho sa mga proyekto ng gobyerno.

Binalikan ni Cayetano ang dati nilang pag-uusap ni former DPWH Secretary Manuel Bonoan tungkol sa Engineering and Administrative Overhead (EAO) o ang bahagi ng gastos sa infrastructure projects na ginagamit para sa mga indirect operational expenses.



Isa sa mga mungkahi niya noon ang pagtiyak na natatanggap ng mga construction worker ang kanilang mga kinakailangang social welfare benefits.

“Let’s do something [para sa mga] ordinaryong manggagawa. I don’t think it will be very difficult for the districts across the country to come up with a checklist [of] labor standards,” sabi ni Cayetano.

“I think makakatulong ito sa lahat ng manggagawa,” dagdag niya,

Samantala, iginiit din ng Minority Leader na dapat mas isaalang-alang sa mga bagong road project kung paano talaga ginagamit ng publiko ang mga kalsada.

Tinanong niya si Dizon kung may bike lanes ang Laguna Lakeshore Road Network (LLRN), pero sinabi ng kalihim na wala itong bike lanes sa kasalukuyang disenyo.

Hinimok ni Cayetano ang DPWH na isama ang bike lanes at sidewalks sa malalaking road projects, lalo na’t inilalarawan ang LLRN bilang isang environmentally oriented project.

Iminungkahi rin niya ang pagkakaroon ng mga covered area kung saan maaaring sumilong ang mga motorcycle rider at iba pang motorista kapag malakas ang ulan.

“If we don’t require it [and] we don’t build it, they won’t come,” wika ng senador.