Advertisers

Advertisers

Cash aid sa mga naapektuhan ng ECQ nakumpleto na – DILG

0 76

Advertisers

INIHAYAG ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkakumpleto ng pamahalaan sa distribusyon ng cash aid sa mga residente ng National Capital Region (NCR) noong ipinairal ang enhanced community quarantine (ECQ.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nasa kabuuang 11,226,946 katao sa Metro Manila ang nabigyan na ng cash aid.

Dagdag pa nito, aabot sa P11.226 billion ang pondo sa Metro Manila para sa naturang programa ang naibahagi na mula sa kabuuang P11.256 billion.

Sa labas naman ng rehiyon, partikular sa Laguna nasa 87.02 percent na ang distribution rate para sa 2.362 million recipients at Bataan na nasa 61.73 percent distribution rate na mayroong 431,054 recipients.

Ang ayuda ay P1,000 kada indibidwal at P4,000 maximum kada household.

Matatandaan na isinailalim ang NCR sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 para mapabagal ang pagkalat ng highly contagious Delta variant.

Nasundan pa ang ECQ sa Metro Manila noong August 21 hanggang September 15. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More