Advertisers

Advertisers

Orcollo, Biado, Chua nanatiling walang talo

0 66

Advertisers

UMUSAD na sa ikalawang round ng US Open Pool Championship ang mga billiard players ng bansa.

Pinangunahan ni Dennis Orcollo at Carlos Biado at pitong iba pang Filipino ang pag-usad sa ikalawang round ng torneyo na ginaganap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey.

Unang tinalo ng Asian gold medalist na si Orcollo ang dalawang nakalaban nitong sina Miguel Medieta ng Argentina at Paul Spaanstra ng US.

Habang tinalo naman ni Biado sina Steve Feming ng US at Vincent Beauvirage ng Canada.

Mahaharap sa malaking hamon ang dalawa sa ikalawang round ngayong Setyembre 16.

Makakasagupa ni Orcollo si Corey Deuel ng US habang makipagtutuos sina Biado kay Mika Immonen ng Finland para sa kanilang race to 11 game.

Pasok rin sa susunod na round ang mga Pinoy cue artists na sina Jeff De Luna, Roberto Gomez, Warren Kiamco, Jeffrey Ignacio, Johann Chua at James Aranas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More