Advertisers

Advertisers

Ex-police na ‘tulak’ timbog sa buy bust

0 343

Advertisers

TIMBOG sa drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Mauban Municipal Police Station ang isang dati nilang kabaro.

Kinilala ang dinakip na si Lordson Custodio, 29 anyos, taga-Barangay Sadsaran.

Nakuha kay Custodio ang 7 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000 at ang ginamit na marked money.



Ayon sa mga pulis, isang taon na ang lumipas nang mawala sa serbisyo si Custodio.
Batay sa record ng mga pulis, nag-positibo sa mandatory drug test na isinagawa noon si Custodio. Nahaharap ito sa paglabag sa Republic Act 9165.

Ayon kay Police Captain Vanessa Sayson, hepe ng Mauban MPS, matagal na nilang mino-monitor si Custodio nang makarating sa kanila ang reklamo ng mga residente sa pagbebenta nito ng iligal na droga.