Advertisers

Advertisers

Abueva bida sa panalo ng Magnolia kontra Batang Pier

0 214

Advertisers

NAISALPAK ni Calvin Abueva ang game-winner basket sa huling dalawang segundo at ibangon ang Magnolia mula sa 17 lubog laban sa NorthPort, 90-89, sa matensyong panalo sa 2021 PBA Philippine Cup Biyernes sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagtapos si Abueva ng 15 points on 6-for-14 shooting,five rebounds, four assists, four steals at two blocks off the bench para sa Magnolia.

Pinamunuan ni Ian Sangalang ang opensa ng Hotshots sa kinamadang 26 points,10 rebounds,two dimes at block, Habang si Paul Lee ay nalimitahan sa 13 points,five assists,three rebounds at steal.



Dela Rosa at Mark Barocca nag-ambag ng tig- 10 puntos.

Ang NorthPort na nalaglag sa 4-5 matapos ang dalawang sunod-sunod na kabiguan, ay nakakuha ng malaking suporta kay Greg Slaughter na kumamada ng 21 points,eight boards at five blocks off the bench sa kanyang pagbalik. Sean Anthony 16 points,habang si Paolo Taha at Jamie Malonso nag ambag ng tig-14 points. Robert Bolick 10 points.