Advertisers
ANG nasa data sa most points sa NBA ay 38,387 na hawak ni Kareem Abdul-Jabbar. Na-iset ng seven-footer ang mark noong 1984 nang maungusan niya si Wilt Chamberlain. Nagawa niya yan sa 20 years na career. Halos apat na dekada na hindi nagagalaw ninuman. Ipanganganak pa lang pala ang posibleng sisira ng record. Ika- 30 ng Disyembre isinilang ireng si LeBron James.
Pero naghayag si KAJ na nag-chicheer siya para kay LeBron James na malagpasan ang kaniyang mga numero. Kung yung iba aayaw na may makabura sa kanilang naitala, ang dating si Lew Alcindor naman sasaya pa. Ganyan naman dapat.
3,020 na lang ang lamang ni Kareem sa taga Akron, Ohio. Yakang-yaka kung aktibo pa ang sinasabing GOAT hanggang 2023 kung sakali.
Tinataya kasi na kung sa susunod na 2 season ay makakalaro ng 70 na game o 140/ 2 taon at iiskor ng 22 na puntos kada match ay si LeBron na ang nasa itaas. Yan ay kung walang major injury na sasapitin . At matatagalan pang tiyak may makapantay diyan.
Nabuhay ang game-fixing sa basketball nitong mga nagdaang-araw. Sa ginaganap na Senate Blue Ribbon Committee ay tila mayroon nga sa gobyerno. Basang-basang na kasi ang papel ni Pangulong Duterte. Sa imbestigasyon tungkol sa maanomalyang transakyon ng PS-DBM ay lumalabas na sabit siya. Natuturo na si DU30 kasi sa mga tao niya ang sangkot. Bukod doon ay sobrang pagtatanggol niya sa mga naturang tao ay kahinala-hinala. Halatang-halata na may sabwatan. Bukol na bukol. Ang laki!
*
Ito palang si Women’s International Master Catherine Perena-Secopito ay kabilang ngayon sa Ventura-Palawan Queen’s Gambit team ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP). Lahat sila puro babae.
Idolo niya ang grandmaster na si Judit Polgar ng Hungary. na personal niya nameet sa isang torneo sa Europa. May larawan pa raw silang dalawa. Kinilig daw siya ayon sa ating bisita sa OKS noong Lunes.
May asawa na ang chess wizard at dalawang anak na babae ang ating panauhin. Nanirahan ngayon sa Bulacan ang valedictorian ng kanyang haiskul.