Advertisers

Advertisers

P7.4b ‘fake branded items’ sinira ng Customs

0 276

Advertisers

Gamit ang malaking ‘shredder,’ ginutay-gutay ng Bureau of Customs ang may P7.4 bilyong halaga ng mga nakumpiskang smuggled fake items.

Nabatid na ang mga nakumpiskang gamit mula sa Bagong Milenyo sa Pasay City at dinala sa isang pasilidad sa Valenzuela City para wasakin.

Kabilang sa mga sinira ang mga pekeng Louis Vuitton, Crocs sandals, at Nike shoes na ang kabuuang halagang P7,429,638,000.



Samantala ang mga kemikal gaya ng shabu ay hinaluan ng ibang kemikal para hindi makasira sa kalikasan.

Tiniyak naman ng BOC – Port of Manila na kahit may pandemya, paiigtingin nila ang pagbabantay ng mga pumapasok na bagay sa bansa bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa smuggling.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">