Advertisers

Advertisers

Babaeng tumatawid sa EDSA pisak sa bus

0 361

Advertisers

Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae nang mabangga ng bus sa EDSA sa Makati, Miyerkoles ng gabi.

Nasagasaan ng RRCG bus ang babae sa northbound lane ng highway lagpas ng Magallanes flyover, 9:30 ng gabi.

Ayon sa MMDA Metrobase, tumawid galing sa northbound lane ang babae at dumaan sa ilalim ng istasyon ng MRT-3.



Nang tumawid ito sa northbound lane, nabangga siya ng bus na pababa mula flyover galing Pasay.

Ayon sa ilang nakakita, nakaladkad pa ang babae bago nakatigil ang bus.



Isa umanong palaboy ang biktima.

Kinilala ang driver na si Ramel Caralde, na nasa kustodiya ngayon ng traffic investigation unit ng Makati City Police.



Maaari maharap si Caralde sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.