Advertisers

Advertisers

Dinudurog na si Isko ng trolls

0 278

Advertisers

UMUUSOK ang social media sa mga banat ng keyboard warriors ng mga kalaban ni presidentiable Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na mas kilala ngayon sa tawag na “Yorme”. Sa amin sa Moriones, Tondo, “Scott” ang tawag namin sa kanya.

‘Pag ganitong nakasentro sayo ang trolls ng mga kalaban, ibig sabihin nyan ay ikaw ang pinakamalakas na banta sa kanilang amo.

Maging ang mga kilalang political analyst ay nagsasabing si Isko ang pinakamahigpit na makakalaban ng presidential bet ng administrasyon sa Halalan 2022. Mismo!



Bakit nga kaya ganun nalang kalakas ang dating ngayon sa madlang pipol nitong Isko gayong nang tumakbo itong Senador noong 2016 ay nasa dulo ito?

Eh kasi sa kanyang unang dalawang taon palang ngayon bilang alkalde ng Maynila ay mabilis niyang naayos, nalinis at napakaganda pa ang kapital ng Pilipinas sa kabila ng mayroong pandemya ng Covid19.



Oo! Ang Maynila ang kauna-unahang lungsod sa bansa na lumagpas sa bilang ng registered residents ang mga nabakunahan kontra Covid19. Binuksan ni Isko sa mga taga ibang lugar na gusto magpabakuna ang vaccination sites ng Manila LGU.

Maging sa pamamahagi ng ayuda ay laging nauunang makatapos ang LGU Manila. Ito ay dahil sa mahusay na liderato ni Isko, 24/7 kung magtrabaho ang mga taga-City Hall. Mabuhay kayo, mga pare’t mare…



Maging si Pangulong Rody Duterte ay bumilib nga kay Isko. Pero nang mabalitaan niyang tatakbong Pangulo si Isko, ayun winakwak. “Call boy” daw ang training. Pati brief sinilip. Hahaha…

Pero hindi nyo na matitinag si Isko sa kanyang mga banat. Old issues na yan para sa kanya. Bilib pa nga sa kanya ang mga tao dahil nagsikap siyang mabuhay at umasenso mula sa pagiging basurerong palaboy sa Tondo.

Sa totoo lang, mga pare’t mare, sa lahat ng presidentiables ngayon, si Isko ang nagmula sa pinakamahirap na lebel ng pamumuhay. Pangalawa lang si Senador Manny Pacquiao na nagdeklara naring tatakbong Pangulo sa 2022.

Alam ko yan, kasi residente ko si Isko sa Moriones. Sabi nga ng yumao kong tiyuhin na si Ernesto Venancio, “Mang Erning” kung tawagin ni Isko, may utang pa si Isko sa kanya ng pisong kalamansi. Hahaha…

Anyway, balikan natin ang mga banat ng trolls kay Isko, sa tingin ko ay hindi nila matitinag ang batang Tondo kahit ano pang demolition ang ibato sa kanya, dahil immune na si Isko sa mga paninira. 23 years na siya sa politika kaya hindi na yan tatalab sa kanya.

Kung babanatan siya bilang mayor, naku! Mapapahiya lang kayo. Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang bilang ng kanyang performance lalo dito sa pagtugon sa pandemya. Mismo!

Sabi nga ni Isko, kung sakali mahalal siyang Pangulo, welcome ang lahat ng kulay sa kanya, mapa-orange, dilaw o pula man ito. Dahil siya naman ay moreno. Boom!

Go, Scott!!!

***

Hanggang ngayon ay inaabangan pa ang pagdeklara ni Vice President Leni Robredo. Tatakbo ba siyang pangulo o mag-Senador nalang sa tiket ni Isko.

Kung tatakbo man siyang pangulo, baka maubusan na siya ng mga lider dahil 1 week nalang filing na ng CoC…