Advertisers

Advertisers

2 NPA patay sa engkwentro

0 342

Advertisers

Dalawang miyembro ng New People Army (NPA) ang nasawi sa naganap na engkwentro sa Cantila, Surigao del Sur, nitong Miyerkoles.

Ayon kay Lt Col Michael Rey S. Reuyan, Commanding Officer ng 36th Infantry Battalion, 5:15 ng hapon ng maka-engkwentro ng mga sundalo ang 10 rebelde mula sa Pltn 2, Guerilla Front (GF30) sa ilalim ng pamumuno ni Noel Tumarla Alacre alias Megan sa Sitio Agsam, Brgy Cabas-an, Cantilan, Surigao del Sur.

Sa isinagawang clearing operation ng mga sundalo natagpuan ang bangkay ng 2 rebelde na iniwan ng mga kasamahan, 1 M16 rifle, 1 AR18, 1 Carbine, 1 bandoloer na maylaman 2 long magazine at 1 short magazine ng M16, 4 backpack, 2 Nokia cellphone, medical paraphernalia at mga personal na kagamitan.



Iturn-over ang labi ng 2 rebelde sa PNP at local governmet upang matukoy ang pagkakakilan ng mga ito.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">