Advertisers

Advertisers

Mommy, pinatay sa saksak ng anak

0 664

Advertisers

Natagpuan duguan at sugatan ang 20-anyos na lalaki habang wala nang buhay sa tinamong saksak ang kaniyang ina sa loob ng kanilang bahay sa San Carlos City, Pangasinan.

Sa ulat, sinabing 40-anyos ang nasawing ginang, habang itinago naman sa pangalang “Boyet” ang salarin na anak, na residente sa San Carlos City, Pangasinan.

Kuwento ng isa pang anak ng biktima, nadatnan niya sa bahay na duguan ang kaniyang ina, at ang nakatatandang kapatid na si Boyet.



Sinabi sa kaniya ng kaniyang kuya na nilooban sila ng tatlong lalaki na naka-jacket.

Pero sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na si Boyet mismo ang sumaksak at pumatay sa sarili niyang ina, at pagnanakaw ang motibo sa krimen.



Lumitaw din sa pahayag ng mga testigo na mayroon daw hindi pagkakaunawaan ang mag-ina.

Nagseseslos din umano ang suspek sa kaniyang kapatid.



Sa kabila ng paliwanag ni Boyet na nagpapagaling pa sa ospital, sasampahan ito ng reklamong parricide sa pagkamatay ng kaniyang ina.