Advertisers

Advertisers

GCQ with hightened restrictions na, may alert level pang kalakip… nakakahilo, nakakaloko

0 225

Advertisers

HINDI na malaman kung ano ba talaga ang totoong estado ng ating community quarantine matapos na isa-ilalim sa GCQ with hightened restrictions ng ating gobyerno ang NCR na nay kalakip pang Alert level 4 na gumu-gulo sa isipan ng ating mga kababayan.

Hirap na hirap na ang mga tao sa dinadanas na sakripisyo at parusa hinggil sa pandemyang dulot ng Covid-19 kung kaya’t huwag na sana silang bigyan ng sakit ng ulo para isipin pa ang kung ano-anong alituntunin niyong pinapatupad,

Tanggap na ng madlang people ang lahat ng hirap at pasakit partikular na sa kanilang pisikal at pinansiyal na problema kaya huwag niyo ng dagdagan pa ng mental stress para isipan pa ang bago niyong gimik na alert level na kung tutusin ay kayo lang ang nakakaintindi.



Wala ring nagbabago sa lahat ng aspeto maliban sa mga anyo at ngalan ng mga bago niyong pinapatupad na programa nguni’t hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin nakikita’t nararamdaman ang publiko bagkus ay lalo pa yatang lumalala ang krisis at problema.

Mahabag naman sana kayo sa mga kapuwa niyong Pilipino na labis na umaasa sa inyong kakayanan nguni’t walang nagiging epekto, iyon at iyon din, paulit-ulit lang ang nagiging kaganapan, excuse me ha dahil halos dalawang taon niyo ng tinatalakay ang isyung ito, have mercy!!!



At eto na naman nga, bukod sa GCQ with heightened restrictions ay sukat na dagdagan niyo pa ito ng alert level 4 partikular na sa NCR. May sustansiya naman kaya itong kalakip o pawang miscellanous lang at wala ring silbi.

Sa bago niyong kinathang salita, malamang na idolo niyo si Director Solidum ng Phivocs dahil ang alert level na ito ay terminology ng mga volcanologist na nagsi-silbing babala sa mga tao sa situwasyong may bulkang nagaalburoto at nakikitaan ng abnormal na aktibidad na may posibilidad ring pumutok na.



Sa simpleng salita, ang alert level na ito ay nakatuon sa paglikas o evacuation ng mga tao sa lugar at perimeter na pwedeng mapinsala kung sakaling pumutok ang bulkan.

Maraming klase ang paglikas at ang mga ito ay bina-base sa mga numero ng alert level mula 1-5. Ang pinaka-matindi dito ay ang mandatory evacuation at forceable evacuation na obligado kang lumikas at ilikas sa ayaw at sa gusto mo.

Kumbaga sa Covid-19 ay may mild, asymthomatic at severe na kung saan ay hindi ka na pwedeng manatili sa bahay at obligado ka ng dalhin sa ICU ng ospital sa ayaw at at gusto mo.

Kung minsan ay nakakatakot din ang pinapatupad ng IATF na ito dahil para bang sinasabing maraming ililikas na mga tao kung ibabase sa salita ng Phivocs.

Ang isa pang nakakabahala ay kung saan naman tayo ililikas ng mga ito gayong wala ng espasyo halos ang lahat ng ospital, baka itawid-dagat o mismong sa dagat na lang tayo dalhin ng mga ito.

Kung sa bagay ay wala namang bulkang puputok dito sa NCR, ang tangging bagay lang na puputok dito ay ang mga ospital dahil sa sandamakmak na mga na tao ang hinahatid dito na aktibo sa virus.

Sa kabilang dako, pumuputok na rin sa salapi ang mga bulsa ng ilan mamamayan natin na nagpasasa sa kaban ng bayan at ginawang negosyo pa ang panahon ng pandemya, ibang klase rin kayo ha…