Advertisers

Advertisers

Raid! Raid!

0 917

Advertisers

ASAHAN na ang sunod-sunod na raid ng kapulisan sa CALABARZON area!

Ito ay kasunod sa muling pag-uutos ni PNP Region 4A Director, PBG Eliseo DC Cruz sa kanyang kapulisan na magsagawa ng mga pagsalakay sa mga kuta ng iligal na pasugalan sa hurisdiksyon ng Region 4A lalo na sa lalawigan ng Batangas, Cavite, Rizal at Quezon.

May mga ulat na maraming drug den, partikular ang mga safe house at rebisahan ng jueteng ay front ng bentahan ng shabu ng mga salot na gambling operator.



Nakakabilib si RD Cruz dahil sa mabilis nitong pag-aksyon sa mga impormasyong ipinararating sa kanyang tanggapan.

Noon lamang nakaraang isang linggo ay sinimulan na ng PNP Region 4A ang mas pinaigting at agresibong kampanya kontra-sugal at droga sa buong rehiyon.



Sa muling pag-uusap ng inyong lingkod at ni General Cruz sa pamamagitan ng cellular phone noong September 26, 2021 ng umaga ay tiniyak ng heneral na lahat na naisiwalat kung saan malaganap ang operasyon ng jueteng ay sasalakayin ng magkasanib na operatiba ng PNP Region 4A Police at mga Provincial Police Office.

Sa monitoring naman ng mga tauhan ni Batangas Provincial Director, P/Col. Glicerio Cansilao ay natukoy ng pulisya ang mga gambling den na posibleng front ng kalakalan ng droga sa Batangas.



Iniutos ni PD Cansilao na masusing manmanan sa bayan ng Padre Garcia, ang bahay ng isang ex-barangay chairman sa Brgy. Banaba, bahay ng isang alias Guno sa Brgy. Sambat na dati-rati ay ginagamit na sakla den at sa isang bahay sa Poblacion, katabi lang ng opisina ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) Office, Padre Garcia branch. Ang mga ito ay itinuturong rebisahan at bentahan ng shabu sa nasabing bayan.

Ang magkasosyong alias Kap Tisoy at alias Kap Idol ang inginusong operator ng mga naturang untouchable na iligal na pasugalan na di nagawang kantiin ng mga nakaraang regional at provincial director.

Sina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol din ang nagpapatakbo ng operasyon ng paihi sa mga barangay ng Bawi at San Felipe, kasosyo ang isang alias RR at Roy.

Sila rin at ang katiwala ng mga itong isang alias Eming ang nagpapatakbo ng operasyon ng saklang patay sa 20 barangay ng naturang bayan.

Kilala ring lider ang dalawa ng kinatatakutang Tisoy-Idol-Flores gun for hire group na karamihan sa mga tirador ay iniimporta mula sa lalawigan ng Quezon at Nueva Ecija.

Kaya naman tiniyak nina RD Cruz at PD Cansilao na kanilang bibigyan ng prayoridad ang paglansag sa mga nabanggit na ilegalista.

Abangan natin ang aksyon nina RD Cruz at Col. Cansilao versus Padre Garcia Crime Group!

Ang iba pang mga gambling operator na iniuulat na may koneksyon din sa drug operation sa Batangas ay isang alias Allan na nag-ooperate ng jueteng sa 40 barangay ng bayan ng Bauan at 21 barangay sa munisipalidad ng Cuenca, isang alias Zalding Konti na kumikilos sa 16 sa kabuuang 20 barangay, kasama na ang Poblacion ng bayan ng Taysan, at alias Timmy na nagpapatakbo ng rebisahan ng jueteng sa mga bayan ng Mabini at San Pascual.

Notoryus din ang mga pangalan ng kung tagurian ay “Triple J” ng bayan ng Lian. Bukod sa jueteng ay nag-ooperate din ng illegal quarry ang “Triple J” na kinilala sa kanilang mga alias na Jun, JC at Jimboy.

Kasosyo at dummy ang “Triple J” ng isang alkalde sa Batangas 1st district sa pag-ooperate ng jueteng, illegal quarry at drug trade.

Sa bayan ng San Juan ang target naman ng police operation ay si alias Kap Nelson samantalang sa Lipa City, nakapokus naman ang manhunt kina alias Ka Carling at ang engkargado nitong sina alias Maliwanag at Vie ng Brgy. Bulacnin, Kap Randy ng Brgy. Sulok, Ex-Kap Fonti- Brgy Granja at Poblacion, Kap Gonzales- Brgy. San Benito, alias Kap Boyet ng San Lucas, Kap Lacorte- Brgy. Sto Toribio at Saint Michael; Kap August- Brgy. 8. Poblacion at alias Kap Sara ng Sampaguita.

Kasama din sa dragnet operation sina alias Ruben Sabedra- Brgy. Balintawak, alias Lorenz ng Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan, Neneng Dista- Brgy Uno, Topher Taba at Vilma Tomboy ng Calle Pogi, Brgy 3, Amapola Subdivision, C.M Recto Ave., at bus stop, Liza at Linda-sa Brgy. Balintawak at Poblacion; Hadjie at Aiza- Brgy San Jose o San Jose Patay, alias Meynard ng Brgy. Lodlod at Ex-pulis Yema- Brgy. Pangao.

Sina alias Kap Wanita at Kap. Fernan, na operator ng STL bookies/ jueteng at financier ng kalakalan ng droga sa South at North District ng Lipa City ay ipinahahanap na din ni RD Cruz at PD Cansilao.

Pakay ding arestuhin ng mga operatiba ang isang alias R. Estole na taga-bayan ng Padre Garcia ngunit nakabase sa Brgy. Lodlod ng nasabing siyudad sa pag-ooperate nito ng saklang patay sa may kabuuang 72 barangay ng nasabi ring lungsod.

Isang alias Roceo at Acebo, na kapwa operator ng STL con jueteng sa bayan ng Ibaan ay kasama din sa minomonitor ng pulisya.

Dalawang gambling operator din sa Batangas City ang minamanmanan ng mga piling operatiba nina RD Cruz at PD Cansilao. Ang mga ito ay sina alias Boyet De Castro na nagpapa- STL bookies con jueteng sa Brgy. Tingga Labac at isang alias Kap Bening na nagpapatakbo ng jueteng sa mga coastal areas ng nasabing lungsod.

Nakalaan namang magbigay ng mapapanaligang impormasyon ang SIKRETA kina RD Cruz, PD Cansilao at iba provincial directors sa CALABARZON area kaugnay sa kanilang anti-drug, gambling at criminality drive.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.