Advertisers
Nasawi ang dalawang miyembro ng New People Army sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga militar at rebelde sa Bontoc, Mt Province, nitong Lunes.
Kinilala ang mga nasawi na si Ernesto Lucaben Jr., alias Ashley/Lando; at Wilfredo Gaayon alyas Jaz, na pawang miyembro g KLG-AMPIS.
Ayon kay MGen Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division, naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga elememto ng 72 Division Reconnaissance Company (DRC) ng 54th Infantry Battalion, 5th Infantry Division at mahigit sa 10 rebelde Barangay Mainit, Bontoc, Mt. Province.
Sa isinagawang clearing operation, natagpuan ang bangkay ng 2 nasawing rebelde at pagkakarekober ng M14 rifle, 5 magazine ng M14, 3 AK79 rifle magazine, 9 na anti personnel mines, 2 rifle grenade, 2 hand grenade, 2 blasting caps, wire, medicines at peronal na kagamita na naiwan n mga tumatakas na rebelde.
Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa panig ng mga sundalo.(Mark Obleada)