Advertisers
BANGKAY na nang natagpuan ng mga awtoridad ang isang guro na miyembro ng LGBTQIA+ community nang respondehan ito sa loob ng kaniyang bahay sa Bacolod City.
Ayon sa mga ulat, isang 24 taon gulang na Grade 12 student ang nasa likod nga pagpaslang sa biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na mismong ang biktima ang nagpapunta sa salarin sa kaniyang bahay upang makipag-inuman. Malapit ang dalawa dahil nagtatrabaho rin ang salarin bilang water delivery boy para sa biktima.
Ayon sa pulisya, matapos mag-inuman, nagkasundo raw ang dalawa na gawin ang kanilang “exciting part” kungsaan itinali ng salarin ang guro. Subali’t kalaunan hindi umano nagkasundo ang dalawa, dahilan upang bugbugin ng estudyante ang guro habang nakatali.
Narekober sa crime scene ang bote ng muriatic acid na pinaniniwalaang ipinainom ng estudyante sa guro.
Matapos ang krimen, sinubukan tumakas ng salarin subali’t hindi siya kaagad nakalabas ng bahay ng biktima. Nang dumating ang mga awtoridad, nagtago ang salarin sa ilalim ng lamesa sa loob ng bahay ng biktima, kungsaan agad siyang naaresto.