Advertisers

Advertisers

Andrea idinenay na playgirl at retokada

0 514

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang vlog, nagkaroon ng pagkakataon si Andrea Brillantes na sagutin ang ilang tanong ng netizens tungkol sa public perception ng mga ito sa kanya.

Isa sa nilinaw ng Kapamilya actress ay ang akusasyong playgirl siya umano o papalit-palit ng boyfriend.



Aniya, wala raw katotohanan ito.

Paliwanag pa niya, iyon daw mga love team partner niya sa nakaraan at maging ang kanyang current na ka-loveteam na si Seth Fedelin ay pang-onscreen lang at never siyang nagkaroon ng opisyal na boyfriend.



Tungkol naman daw sa ka-love team, ang management daw ng Kapamilya network ang namimili ng ipapareha sa kanya.

So far, si Seth daw ang pinakamatagal niyang love team dahil naniniwala ang fans nilang may chemistry sila.



“Kaya yan naa-assume ng iba kasi marami nang pinartner sakin. Akala kasi ng mga tao by choice naming mga artista yung pina-partner sa amin. Sinasabi malandi ako kasi marami na ako naka-love team. Hindi ko naman choice yun, choice yun ng management. Minsan kapag hindi nag work out ito, magta-try sila ng ibang love team,” pagbubunyag niya.

“Ngayon kasi may chemistry kami ni Seth so siya na yung pinaka-matagal kong love team. Pero wala po akong naka-fling sa mga iyon, just to be clear,” dugtong niya.

Todo denay din siya sa assumption na retokada umano siya.

Medyo nagbago lang daw ang hitsura niya noong magdalaga siya pero kung tutuusin, natural ang kanyang beauty at hindi produkto ng siyensya.

Hirit pa niya, kapag daw kasi dumarating sa age of puberty ang isang tao, mapababae man o lalake ay malaki ang naging pagbabago sa hitsura ng mga ito.

“Hindi po ako retokada pero thanks for thinking that. Ibig sabihin may maganda sa mukha ko para maisip niyo na retokada ako,” aniya. “Kung titingnan niyo rin naman ‘yung mga baby pictures ko, kung iisipin niyo na peke ‘yung ilong ko… “Tumubo lang ‘tong bridge ko noong ‘Kadenang Ginto’ kasi manas na manas ‘yung mukha ko dati at doon ako nagsimulang pumayat. Tsaka nagma-mature kasi talaga ang mukha,” dugtong niya.

Idinenay din niya ang akusasyong maldita siya.

Marahil daw ay nagkaroon lang ng ganoong perception dahil sa kontrabida role niya sa “Kadenang Ginto” bilang Marga.

Katunayan, noon daw nasa school pa siya, lagi raw siyang nabu-bully kaya naman wala raw siyang friends noon.