Advertisers

Advertisers

Andrew Gan thankful sa Limited Edition produ na si Jojo Bragais

0 612

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AMINADO si Andrew Gan na maraming dapat abangan sa kanilang BL seryeng Limited Edition. Tampok sila rito ni Jomari Angeles, sa pamamahala ni Direk Jill Singson Urdaneta at prodyus nina Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris.

Inusisa namin siya kung ano ang dapat abangan sa kanilang serye?



Lahad ni Andrew, “Marami pong dapat abangan dito, iyong mga manonood po nito, sila ay kikiligin, matatawa, maiiyak, at higit sa lahat, magmamahal.”

May mga sexy and intimate scene ba siya rito? “Abangan! Ang masasabi ko lang po is marami akong ginawang first time para sa project na ito. Kasi naniniwala ako sa material,” bitin na saad pa niya.



Pahabol pa ng aktor, “May mga nag-offer na rin sa akin before ng BL, pero eto po ang ibinigay sa akin ni Lord. Sa Limited Edition Niya ako inilagay.

“Sobrang proud ako sa aming serye. Kahit na, halimbawa hindi ako iyong napasali sa cast, proud ako. Kasi, ang ganda talaga ng material. Naniniwala rin ako sa right timing, kung bakit dito ako inilagay ng Diyos.”



Ano ang role niya sa serye? “Ang role ko po rito ay si Jethro, New Yorker na pumunta ng Philippines for work. Two months lang at mami-meet niya si Mario na simple guy.”

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Andrew sa kanilang producer dito na si Jojo Bragais.

Wika ni Andrew, “Sobra niya kaming inalagaan at malaki pasasalamat ko sa taong iyon dahil ipinaglaban niya ako para sa role. May nakita siya sa akin noong araw na nag-audition ako.

“May mga tao kasing gustong sulutin sa akin iyong role and may mga tao rin na gusto akong tanggalin sa cast. Pero ipinaglaban ako ni sir Jojo. Kaya sobrang thankful ko roon. Sobrang daming pinagdaanan nitong project na ito and ang daming naging problema. Muntik na nga hindi matuloy… Pero at the end of the day, ipinaglaban ng Team Bragais.”

Saan at kailan ito ipalalabas? “Sa October 2 na po. Sa Youtube channel ng Bragais TV (free subscription) and hopefully, sa Netflix soon. Every Saturday po ito, 8pm. Bale, 11 episodes po ito.”

Tampok din dito sina Yayo Aguila, Ruby Ruiz, Iyah Mina, Donna Cariaga, Ron Angeles, at Michelle Jhoie Ferraris.

Ang Bragais TV ay official YouTube channel ng shoe designer at producer na si Jojo Bragais.