Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA vlog ni Zanjoe Marudo ay kasama si Daniel Padilla at non-showboz friend na si Hyubs.
Naisama nila si Daniel sa kanilang paggo-golf kahit noon pa man na sina Mariel Rodriguez at Zanjo ay naglalaro pa.
Dahil sa impluwensiya ni Zanjoe ay nawiwili naman sa ngayon si Daniel sa paglalaro ng golf.
Kaya sa vlog ni Zanjoe eh tinatanong nito kung nag-enjoy ba nang bongga si Daniel sa pagpalo sa golf ball?
Inamin naman ni Daniel na nalilibang na ito sa kanyang paggo-golf. Sabat naman ni Hyubs na may malice na kaya ba enjoy ito ay dahil sa maraming hole na huhulugan ng bola.
Natawa na nga lang si Daniel at sinabi naman nito na kanyang medication or relaxation ang paglalaro ng golf at sa dalawang buwan na paglalaro nito ay okey naman sa alright.
Habang nagtsitsikahan sa vlog ay bubuka-bukaka si Daniel. Buti na nga lang daw at napansin ni Zanjoe na sumusungaw na ang betlog nito.
Kaya naman tinapik ni Zanjoe si Daniel at sinabi na huwag bumukaka at sumusungaw nga raw ang ari nito.
Sabay tayo ni DJ at inayos nito ang short at brief at pinakiusapan na i-edit ni Zanjoe ang video na ‘yun.
O kaya nga raw huwag na lang ilabas ang portion na lumabas na ang isang tanod ni kapitan Ha!Ha!Ha!
***
Kuya Boy tikom pa ang bibig sa pagiging Kapuso
NAGSIMULA sa blind items na matunog na na nga raw ang napipintong paglipat ng King Of Talk na si Kuya Boy sa Kapuso.
Sa mga sitsit ay di pa naman plantsado ang negosasyon.
Hindi pa yata nakapagsasara sa contract price ayon sa bulung bulungan.
Puwede naman daw lumipat si Kuya Boy sa Kapuso habang wala pang prangkisa ang Kapamilya network.
At welcome naman na bumalik ulit si Kuya Boy sa Kapamilya.
Inalala pa nga ng solid followers ni Kuya Boy na dati naman daw itong naging Kapuso bago pa man ito naging Kapamilya.
Kaya marami ang abangers sa anunsiyo ng King Of Talk kung trulili ba na lilipat na ito ng network.
Nanahimik naman si Kuya Boy regarding sa isyung paglipat nito.
Well, well, well…’Yun na!