Advertisers

Advertisers

Babae arestado sa online annulment scam

0 258

Advertisers

Arestado ang isang babae sa pagpapatakbo ng online annulment scam sa Quezon province.

Kinilala ang suspek na si Archie May Ramos.

Sa report, hinuli si Ramos sa kaniyang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group.



Ayon sa ulat, pinapangakuan umano ni Ramos ang mga public school teacher sa Quezon na kaya niyang maipawawalang-bisa ang mga kasal ng mga ito kapalit ng malaking halaga.

Isa sa mga biktima si alyas “Linda” na nagbigay ng higit P100,000 dahil sa pangakong mapapawalang-bisa ang kasal niya sa loob lang nang 6 na buwan.



“Sa totoo lang, nagdalawang isip ako noong una. Kaso lang po, sa eagerness na ako ay ma-annul… na-grab ko na po,” ani Linda.

Nakilala ng mga biktima ang suspek sa Facebook at napaniwala nito ang mga guro dahil nagpakilala itong nagtatrabaho sa law firm.



Pero natuklasang peke pala ang mga court order at iba pang dokumento, at ginamit pa ng suspek ang pirma ng isang judge.

Nakarating ang mga kopya ng mga dokumento sa judge, na humiling ng imbestigasyon sa CIDG.

Kinasuhan si Ramos ng estafa at falsification of public documents.