Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 15,566 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Oktubre 1.
Samantala ay mayroon namang naitalang 23,483 na gumaling at 199 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.1% (130,268) ang aktibong kaso, 93.4% (2,396,726) na ang gumaling, at 1.50% (38,493) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 29, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)