Advertisers

Advertisers

Shaira proud sa sexy pictorial ng dyowang si EA; Lovi kakaririn muna ang international film bago mag-taping sa Dos

0 342

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA nalalapit na mga araw ay gora ang byuti ni Lovi Poe sa Amerika para sa kanyang kauna-unahang international movie na gagawin, ang “The Chelsea Cowboy” na makakasama niya ang mga Hollywood actor na sina Alex Pettyfer and Poppy Delevingne.

Isang biofilm ang “The Chelsea Cowboy”, at ang papel ng sikat na British blues singer na si Dana Gillespie ang role ni Lovi. Una na munang natanguan ni Lovi ang alok na international movie bago siya pumirma na maging Kapamilya talent.



Kaya go muna sa Amerika ang byuti ni Lovi bago sumabak sa taping naman ng kanyang kauna-unahang seryeng gagawin sa Kapamilya Network.

At dahil sa isang biography movie ang pelikula, ang kauna-unahang inaral ni Lovi bago pa man ang galawan ng kanyang karakter na si Dana, ay ang accent ng nasabing British singer.



“Aside from making sure I am fully aware of who I am playing, I will do my best na mabigyan ng hustisya because she’s an icon. Nagpre-prepare ako nang maayos. I will be playing a role with a different accent so that’s something I look forward to. Just trying to make sure that I get there prepared,” say ni Lovi.

Say pa rin ni Lovi, hindi niya inaakalang magkakaroon siya ng international project dahil lang sa isang tawag na ‘di niya masyadong sineryoso.



“One of the producers and the writer of ‘The Chelsea Cowboy’ reached out to my management and asked me to read for the part. It was as simple as that. I read for the part, forgot about it and a few weeks after, it happened,” dagdag na say ni Lovi.

***

FIRST time para sa matinee idol na si Edgar Allan Guzman na sumabak sa isang sexy pictorial na hindi pang press release material kundi para sa isang billboard ng produktong underwear, ang Bench Clothing Brand.

Ilan lang sa malalaking artista na naging modelo ng naturang clothing brand ay sina Dingdong Dantes, Paulo Avelino, Derrick Monasterio, Jake Cuenca, Dominic Roque at iba pa. Ngayon ay masayang-masaya si EA dahil mapapasama siya sa listahan ng ambassadors for Bench Body.

“Felt really proud of myself doing this for the very first time. Hard work really pays off! Proud to announce that I am now part of the BENCH family! Thank you @benchtm , @bcbench and @benchbodyph for the trust! What a way to welcome October!

“I feel confident and sexy in my hipster briefs,” say ni Edgar Allan sa kanyang post sa isang social media platform.

At ang isa sa agad na nagkomento sa post ni Edgar Allan na naka-hipster brief lang at nakataas ang kamay ay ang nobya niyang si Shaira Diaz, na tila may pagkagulat nang makita ang sexy pictorial ng boypren, at sa huli ay sinabing proud siya sa ginawa ng kanyang boypren.

“OMG jusmiyomarimarrr magdamit ka! Pero proud of you baba!,” komento ni Shaira.