Advertisers

Advertisers

Habang ‘di pa tuloy ang serye kay Jennylyn Xian bibigyan ng bagong project at kapareha

0 272

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL sa emergency na naranasan ni Jennylyn Mercado, tigil muna ang lock in taping ng Love Die Repeat na nakapag-shoot din ng ilang araw kasama si Xian Lim.

Marami man nanghihinayang ay tuloy pa rin ang nasabing serye  at hindi naman papalitan si Jennylyn.



Next year na nga raw masisimulan ang pag-shoot at medyo alanganin na nga raw ngayon.

Na-sad naman ang supporters ni Xian dahil atat na silang mapanood ang idolo sa telebisyon.



Pero asa naman sila na mabibigyan ng bagong project ang bagong Kapuso actor na si Xian.

At dahil bago ang project na ibibigay kay Xian malamang na bagong leading lady din ang ipapareha sa bf ni Kim Chiu.



Hindi naman daw puwede na hindi bibigyan si Xian ng panibagong proyekto ganitong naudlot ang una sana nitong project sa Kapuso.

Dahil kaya sa feedback na madyonda na si Jennylyn ayon sa netizens para kay Xian kaya natigil ang shoot ng serye?

Kung bibigyan ng bagong leading lady si Xian na maganda, bata at sexy, ‘di naman kaya magselos factor si Kimmy.

Hmmmp, abangan!

***

Sharon umalma sa reaksyon ng netizen

SA post ni Sharon Cuneta sa kanyang IG post ay ipinahayag nito na tutungo ito sa Amerika.

Dadalawin naman nito ang kanyang anak na si Kakie o Frankie Pangilinan na nandoon para sa kanyang pag-aaral.

Ipinost pa nga ni Megastar sa kanyang socmed account ang madamdaming tagpo nilang mag-ina nang dalawin nito ang anak.

Okey na sana at maraming nagkomento na magaganda sa pagkikita na ‘yun nina Frankie at Mom Sharon nito.

Kaso may isang netizen na nagsabi na  may isa pa itong anak na nasa Amerika, si KC Concepcion.

Baka naman daw puwede rin nitong dalawin ayon pa sa isang netizen.

Hindi naman pinalagpas ni Megastar ang komento na ‘yun at umalma ang ina ni Kakie sa netizen.

Huwag na nga raw pangunahan pa ang nag-iisang Megastar sa iskedyul at plano nitong gawin sa kanyang buhay.

Well, well, well…’Yun na!