Advertisers

Advertisers

MGA BAHAY ALIWAN SA PASAY,BACK IN CIRCULATION

0 436

Advertisers

Nakatanggap tayo ng tawag mula sa ilang concerned businessmen ng lungsod Pasay na nagsumbong sa atin na tila baga selective o may pinipili ang lokal na otoridad sa pagbibigay go signal sa mga night entertainment na puwede nang magbukas.

Yung maliit umanong beerjoints na nasa mga suluk- sulukan ng Pasay ay di pa pinapayagan mag-operate.

Pero yung mga high-end night club na front ng talamak na putahan ay business as usual na.



Bakit kamo?

May pambigay ng goodwill money sa kung sinong Poncio Pilato ng Pasay City LGU.

Dalawa sa mga pamosong nightclub cum putahang ito ay ang UNIVERSE Club na nasa kahabaan ng FB Harrison malapit sa corner ng Libertad st. at ang makailang beses na rin ni-raid ng kapulisan na KING & QUEEN Club na nasa Hobbies,Macapagal Blvd.

Kung selective ang LGU at kapulisan sa pagbibigay pahintulot sa mga ganitong establisimiyento sa lungsod,parang atubili naman at nahihiyang salakayin ng PNP CIDG NCR ang mga club na ito dyan sahurisdiksyon ng Pasay.

Kamalawa ng Gabi,nag operate ang CIDG South sa Hobbies Macapagal at ni- raid ang Maxim Club kung saan positibong naaktuhan ang ilang kababaihan ng club na gumagawa ng kahalayan o sex services sa kanilàng mga Tsekwang kostomer.



Ang tanong ng maraming taga-Pasay,bakit yung Maxim lang kinain at tinira ng CIDG?

Bakit ang King & Queen na nasa Hobbies of Asia rin ay di man lang sinilip.

Ang UNIVERSE Club naman po sa FB Harrison street ay di rin o sinisita ng kapulisan sa kabila nang presensiya ng talamak at lantarang sex trade sa loob ng nasabing bahay aliwan.

Matindi nga dahil puwedeng. pick up o i-delivery/drop off ang mga babae sa mga foreigner na kostomers.

Gaya ng modus ng mga club na ito,sarado ang main entrance at signages ng mga club na ito at sa secret entrance at exit na lamang idinadaan ang mga labas-pasok na mga kostomer,staff at mga models/GROs ng club.

Nagsisilbi rin sex den ang club kung pipiliin ng mga kostomer na sa VIP room na lang ng club gamitin ang mga mistulang sex slaves ng Universe Club.

Matindi din ang King & Queen Club dahil matapos ma-raid ay balik negosyo na ulit.

May added features pa.

Bukod sa pagiging club cum pokpokan,sugalan na rin ito makaraan maglagay ng ilang poker tables ang management ng club.

Ibamg klase talaga.
Astig!

May pinagmamalaki talagang ulol na local official.

Sa susunod nating pagbira,huhubaran na natin ang lasenggo at manyak na opisyal na ito na taga-Saypa (Pasay) hehehe!

Total eleksyon na naman at uso na ang batuhan ng tae este putik pala.

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting