Advertisers

Advertisers

Mabilis na paggaling sa COVID-19, hangad ni Isko kay Mayor Sarah Duterte

0 225

Advertisers

UMAASA si Manila Mayor Isko Moreno na gumaling na sa maagang panahon si Davao City Mayor Sara Duterte matapos na ito ay tamaan ng COVID-19 kamakailan.

Ayon kayMoreno hindi pa niya nakikita at nakakausap si Mayor Sara kaya ipinaabot na lamang niya ang kanyang pagbati na gumaling na ito sa pamamagitan ng isang kaibigan.

“I wish her well. I know the feeling of having COVID. I have sent my regards to her and I will pray for her,” sabi ni Moreno.



Bilang isang COVID survivor, sinabi ni Moreno na napakahirap talaga na mahawahan ng coronavirus. Matatandaan na siya at si Vice Mayor Honey Lacuna ay magkasunod na tinamaan ng virus at kapwa na magkasunod din na gumaling matapos gamutin sa Sta. Ana Hospital sa ilalim ng pangangalaga ni Dr. Grace Padilla, na siyang direktor ng nasabing ospital.

“Wala talagang kinikilalang estado sa buhay ang COVID kaya mag-ingat tayong lahat. I really feel for her and I do hope she recovers,” he added.

Si Mayor Sara ay fully vaccinated, at bumubuti na ang kalagayan at mayroon lamang na mild symptoms matapos tamaan ng COVID-19 noong October 9.

Ang pamilya ni Mayor Sara ay inilagay sa isolation habang ang mga may close contact naman sa kanya ay inimpormahan at isinailalim sa quarantine.

Hindi maliwanag kung paano nahawa ng virus si Mayor Sara, gayunman may mga ulat na isa sa kasamahan niya sa isang medical trip sa ibang bansa ay nagpositibo.



Bunga ng mga pangyayaring ito, muling binigyang diin ni Moreno ang kahalagahan na maging fully vaccinated dahil may kasiguraduhan na hindi ka mauuwi sa severe at kritikal na kundisyon tamaan ka man ng COVID-19, kahit hindi man nagbibigay ng immunity ang bakuna. (ANDI GARCIA)