Advertisers
Napakaganda ng line-up nina Vice Mayor Honey Lacuna at third district Congressman at deouty House majorityfloor leader Yul Servo, na ating nakita nang sila ay kapwa mag-file ng kanilang certificate of candidacy (CoC) para mayor at vice mayor ng Maynila, sa ilalim ng partidong Asenso Manilenyo.
Maliwanag na pagkakaisa ang layunin ng tambalang Lacuna-Servo, batay na din sa komposisyon ng kanilang mga kandidato bilang Congressman at Konsehal. Ito ay binubuo ng mga taong mula sa angkan ng mga kilalang pulitiko sa Maynila.
Tignan na lamang natin. Sa hanay ng mga konsehal, naririyan ang dating Konsehal ng Tondo na si Nino dela Cruz, ang paboritong apo ng yumaong si Mayor Alfredo Lim na naging alkalde sa lungsod sa loob ng kabuuang 12 taon. Muling tumatakbo si Dela Cruz bilang first district Councilor. Nagsilbi na ito bilang konsehal noon sa loob ng tatlong termino.
Mula naman sa angkan ni dating Manila Mayor Lito Atienza, nariyan ang kanyang anak na si Maile na tumatakbong muli bilang konsehal sa third district ng Maynila. Sigurado mananalo, ikalawang termino na niya ito.
Maging ang apo ni Atienza na si Nikko ay kasama din sa mga kandidato ng Lacuna-Servo team bilang kandidato para konsehal sa fifth district ng lungsod.
Pamangkin ng yumaong Manila Mayor Ramon Bagatsing si Councilor DJ Bagatsing na muling tumatakbo bilang konsehal sa fourth district para sa ikalawang termino.
Mula sa lahi ng yumaong Mayor Mel Lopez, nariyan ang pamangkin nyang si Councilor Mon Yupangco, na tumatakbo din para sa ikalawang termino bilang fifth district councilor.
Tumatakbo din bilang reelectionist si fourth district Congressman Edward Maceda na anak ng isa sa pinakamalapit na kaalyado ni dating President at Mayor Erap Estrada.
Si Vice Mayor Honey, alam nating lahat, ay anak ng matalino at magaling na si dating Vice Mayor Danny Lacuna, na isang na ring institusyon sa Maynila.
Si Servo naman ay nasa ikalawang termino na rin bilang Congressman matapos maging konsehal sa loob ng tatlong termino o siyam na taon, sa third district din.
Kaya di nakapagtatakang umatras si Congressman Manny Lopez at nagdesisyon na lamang itong tumakbong muli para sa ikalawang termino.
Paano mo nga naman tatalunin ang ganitong uri ng tiket?
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.