Bagumbong High School, namayagpag sa world teachers month tiktok challenge!
Advertisers
GOOD news naman tayo mga Ka Usapang HAUZ, biruin nyo na kahit nasa estado ng pandemya ang buong bansa dahil sa Covid-19 ay nagawang pasayahin at ipagdiwang ang World Teacher’s Month ng ating mga guro kaya dapat natin silang purihin sa napakalaking ambag sa ating lipunan”Mabuhay”.
Tinanghal na grand winner mga Ka Usapang HAUZ ang Bagumbong High School sa katatapos na ‘Lodi Kong Dancer Sina Ma’am At Sir’ Tiktok Challenge na inilunsad ni Caloocan City Coun. Vince Hernandez bilang parangal sa mga guro ngayong World Teachers’ Month.
Mula sa 21 kalahok, limang finalists ang pumasok sa 2nd round ng patimpalak kung saan ang nagwagi ay hinusgahan ng mga judges na sina Mr. Danilo Duyan, Prof. Marilyn de Jesus, Atty. Jearemmy Rosario-Guinto at Dr. Nerissa Losaria.
Nakakuha ng 96% na marka ang tiktok entry ng Bagumbong High School na nakatutok sa temang pagbibigay ng pagkilala sa mga frontliners na humaharap sa hamon ng COVID 19 pandemic.
Tinanghal naman na 2nd runner up ang Bagong Silang High School na sila ring nakakuha ng People’s Choice Award habang 3rd runner up ang Rene Cayetano Elementary School na sinundan ng Camarin High School at Bagumbong Elementary School.
Sinabi ni Konsi Vince na ang Tiktok Challenge ay maliit lamang na bagay para bigyang parangal ang mga guro na nagsasakripisyo para maituloy pa rin ang dekalidad na edukasyon sa mga estudyante sa gitna ng pandemya.
“Alam ko pong maliit na bagay lamang ang patimpalak na ito pero hangad ko po na kahit paano ay mabigyan kayo ng kaunting kaligayahan sa gitna ng matinding hirap na kinakaharap natin,” pahayag ni Konsi Vince.
Sa kanila namang ibinigay na mensahe, pinasalamatan at pinapurihan nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at Cong. Along Malapitan si Konsi Vince sa paglulunsad ng ganitong uri ng patimpalak na nagsilbing stress reliever ng mga guro.
Ang grand winner ay tumanggap ng P30,000 na premyo; P20,000 sa 1st runner up; P10,000 sa 2nd runner up; P7,000 sa 3rd runner up at P5,000 sa 4th runner up bukod pa sa mga trophy, certificates at t-shirts.
Samantala, ang lahat ng paaralang lumahok ay tumanggap din ng certificates at t-shirts at tig-isang kabang bigas bilang pasasalamat sa kanilang pakikiisa.
Marami ring live viewers na tumutok sa FB live ng awarding ceremony kung saan nagsilbing hosts sina Mr. Jason del Rosario at Ms. Caloocan 2019 Shanon Tampon ang nanalo ng iba’t ibang raffle prizes.
***
Para sa inyong mga Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036