Advertisers

Advertisers

Delivery boy hinostage ng may sayad

0 217

Advertisers

Hinostage ng lalaking sinasabing may kapansanan sa pag-iisip ang isang water delivery boy sa Quezon City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang hinostage na si Gabriel Espinosa, 21-anyos, water delivery boy at naninirahan sa Payatas, QC.

Dinala naman sa himpilan ng pu­lisya ang hostage taker na nakilalang si Universe Santos, 46, residente ng Capitol Hills, Brgy. Matandang Balara, QC.



Batay sa ulat ng Ba­tasan Police Station 6 ng QCPD, 4:30 ng hapon nang magsimula ang hostage taking sa Alpha Village, Capitol Hills.

Ayon sa mga nagrespondeng pulis, dumaranas ng schizophrenia si Santos at sa hindi malamang dahilan ay biglang hinostage si Espinosa habang nagdedeliber ito ng mga galon ng tubig sa kanilang tahanan.

Matapos ang mahigit isang oras, ligtas na nasagip ang water delivery boy habang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek.

Bahagyang nag­tamo ng mababaw na sugat si Espinosa nang itutok sa kanyang katawan ang dala­wang kutsilyo na hawak ni Santos.

Wala namang motibo sa nang­yaring pangho-hostage dahil sa sinasabing may sakit sa pag-iisip si Santos.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">