Advertisers
Arestado ang dalawang babaeng drug pusher na nasamsaman ng nasa ₱1,360,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District-District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU) sa Brgy. San Antonio, Parañaque City.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Hanan Tampipi y Idang, 19, online seller, residente ng San Pedro, Laguna; at Norayna Nanding y Sakandal, 19, kasaulukuyang residente rin ng Parañaque City.
Sa report, isinagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng DID/D2, DMFB, kabilang ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Muntinlupa at Parañaque City police, 6:00 ng gabi ng Miyerkoles sa Barangay San Antonio, Parañaque City.
Nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalamn ng shabu na tumitimbang ng mahigit-kumulang 200 gramo na nagkakahalaga ng ₱1,360 000.00, isang berdeng eco bag, isang black sling bag at ang buy-bust money na P1,000.
Agad na dinala sa tanggapan ng DDEU ang dalawang suspek para sa dokumentasyon at disposisyon ng mga ito habang ang nakumpiskang ilegal na droga ay dinala naman sa SPD Crime Laboratory para sumailalim sa chemical analysis.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5, 11 and 26 ang dalawang suspects na kasalukuyang nakapiit sa SPD-DDEU detention facility.