Advertisers
Patay ang isang barangay kagawad nang barilin sa ulo sa Barangay Rosario, Pasig City nitong Huwebes.
Kinilala ang biktima na si Niki Cruz.
Ayon sa ulat, nasa kalagitnaan ng pagpupulong ang ginang nang biglang lapitan ng isang lalaki at barilin ito sa ulo.
Nakatakas ang salarin na nasa edad 20 hanggang 25.
Napag-alaman na may kasama ang salarin na siyang lookout nito.
Batay sa report, matagal nang nakakatanggap ng death threats ang ginang dahil sa kampanya nito kontra ilegal na droga.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang naturang krimen.