Advertisers
Arestado ang isang sundalo at babae nang mahulihan ng P1.8 milyong halaga ng marijuana sa buy-bust operation sa Taguig City nitong Miyerkoles.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nangyari ang transaksyon sa Barangay New Lower Bicutan sa C-6 Road kung saan nasa 15 kilo ng marijuana ang nasabat mula sa dalawa.
Sa ulat ng PDEA-NCR, ang naturang sundalo hindi muna pinangalanan ay 34-anyos na active personnel ng Philippine Army at residente ng Bayombog, Nueva Vizcaya.
Iniimbestigahan pa kung saan galing ang kanilang suplay at sino-sino ang kanilang mga parokyano.
Kasong pagbebenta ng ilegal na droga ang isasampa sa kanila.