Advertisers
NAGLABAS narin ng senatorial lineup ang magkatunggali sa pagka-pangulo na sina Vice President Leni Robredo at Senador Manny Pacquiao.
Inanunsyo nitong Biyernes ni Leni ang gusto niyang maging kakampi sa Senado. Ito’y sina magbabalik Antonio Trillanes at Chiz Escudero, reelectionist Riza Hontiviros, Leila de Lima, Dick Gordon, Joel Villanueva at Migs Zubiri, human rights lawyer Chel Diokno, ex-Congressman Teddy Baguilat, Alex Lacson, at ex-Vice President Jojo Binay. Kulang pa sila ng isa para makumpletong 12.
Ang running mate ni Leni ay si Sen. Kiko Pangilinan, ang mister ni Megastar Sharon Cuneta. Ang kanilang political color ay pink. Kaya ‘pag nakakita kayo ng mga naka-pink, malamang maka-Leni yan. Hehehe…
***
Inilabas narin ni Pacquiao ang kanyang mga pambato sa pagka-senador. Ito’y sila Zubiri, Villanueva, Escudero, magbabalik na si Loren Legarda, Binay, journalist Raffy Tulfo at Atty. Lutgardo Barbo.
Ang running mate ni Pacquiao ay ang matagal na ni-yang kakampi na si Buhay Partylist Representative Lito Atienza.
Naging guest namin nitong Biyernes sa National Press Club ‘Report to the Nation’ weekly virtual forum si Atienza. Aniya, ang tandem nila ni Pacquiao ay hindi na mababago. Ibig sabihin ay walang mangyayaring ‘substitution’ sa kanila. Tuloy ang laban!!!
Ibinida ni Atienza na sa kanilang pagbisita sa Batangas nitong Huwebes, dinumog sila ng napakaraming tao. Na kapag ito aniya’y bomoto lahat sa Pambansang Kamao, tiyak landslide sila sa Batangas. Ganun?
Sa kanilang laban sa balwarte ni Pacquiao sa Minda-nao, ayon kay Atienza, kapag hindi tumakbo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, tiyak masosolo ng boxing Senator ang malaking boto ng Mindanao.
Pero kapag tumakbo si Sara, tiyak parin aniyang mana-nalo sa Mindanao si Pacquiao.
***
Sa tantiya ng mga political analyst na sina Ramon Casipli at Erik Espina, magiging mahigpit ang labanan nga-yon ng mga kilalang presidentiables na sina Robredo, Pacquiao, Isko Moreno, Ping Lacson, Bongbong Marcos at kung papasok pa si Sara Duterte-Carpio.
Malamang anila na magkaroon na naman ng plurality President tulad ng nangyari noong 2016 nang manalo si Rodrigo Duterte laban sa lima ring katunggali nang makakuha ng higit 16 million votes out of more than 60 million registered voters. Higit 45 million ang ‘di bomoto kay Digong.
Pero kapag nagsanib, halimbawa, sina Bongbong at Sara o Sara-Bongbong, at Leni-Isko (Isko-Leni), malamang na ang dalawang ito nalang ang magkakabakbakan.
Pero malabo nang mangyari ito, sabi ni Casipli. Dahil sa takbo ng mga usapan ngayon ay wala sa kanilang bababa sa pagka-Bise. Lahat gusto Presidente ang takbo. Mismo!
***
Sa limang nag-file ng CoC sa pagka-Presidente, si Marcos nalang ang hindi nag-anunsyo ng kanyang running mate. Wala rin itong senatorial lineup. Solo lang ba siya? Hindi naman siguro. Baka may hinihintay lang talaga. Kung ano man ito, malalaman natin sa Nobyembre 15.
Sa panig naman ni Lacson, ang kanyang senatorial lineup ay ang mga kasamahan din nilang reelectionist na mga naka-lineup din kina Robredo at Pacquiao. Old faces!