Advertisers

Advertisers

Negosyente patay sa ambush

0 371

Advertisers

Patay ang isang negosyante ng tambangan at pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem sa Caloocan City, Biyernes ng hapon, Oktubre 15.

Kinilala ang nasawing biktima na si Glenn Cayao, residente ng Block 12, Lot 28, Kaunlaran Village, Brgy. 12 ng lungsod.

Sa report, 12:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa 6th St., corner 7th Avenue, Brgy. 121 ng lungsod.



Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa kanyang Toyota Fortuner (NBV-2562) habang binabagtas ang naturang lugar nang lapitan ito ng mga salarin na nakasuot ng itim na helmet at itim na jacket habang magkaangkas sa isang itim na motorsiklo saka pinagbabaril sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga salarin patungong direksyon ng C3 Road habang naiwan naman ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.



Inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente at pagkakakilanlan ng mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">