Advertisers

Advertisers

7,772 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA

0 262

Advertisers

ANG Department of Health ay nakapagtala ng 7,772 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 1,634 na gumaling at 156 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (85,048) ang aktibong kaso, 95.4% (2,587,881) na ang gumaling, at 1.50% (40,580) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 14, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.



Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (ANDI GARCIA/JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">