Advertisers

Advertisers

Malasakit Center sa Marinduque, pinasalamatan ni Mayor Lorna Velasco

0 351

Advertisers

MULA sa Bayan ng Torrijos, Province of Marinduque, nagtungo ang masipag at incumbent mayor na si Torrijos Mayor Lorna Velasco upang saksihan ang ika-144th na Malasakit Center sa bansa na nilagay sa lalawigan.

“Magiging malaking tulong po ito sa Marinduque. Lalo na po at sigurado ako na maraming Torrijoseños ang mailalapit natin dito. Ito man ay nasa Munisipalidad ng Boac na aming karatig-bayan,” pahayag ni Velasco.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga tao kay Sen. Go kung saan ang pagdating nito ay sinalubong ni Marinduque Governor Presby Velasco (na kabiyak ni Mayor Velasco) kasama ang kanilang anak na si House Speaker Lord Allan Velasco.



“Salamat sa ating pamahalaan at kay Sen. Bong Go. Ito ay karagdagang patunay ng malaki at patuloy ang progreso sa Marinduque sa kabila ng kinahaharap na pandemya,” dagdag ni Velasco.

Ang Malasakit Center sa Marinduque ay ika-144 sa buong Pilipinas na patuloy na nais palaguin ni Sen. Go.