Advertisers

Advertisers

Alessandra waging best actress sa Gawad Urian

0 328

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

INANUNSYO ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nagwagi sa kanilang ika-44 na edisyon ng Gawad Urian.

Maliban sa pagbibigay ng taunang awards, kinilala rin nila sina  Nora Aunor, John Lloyd Cruz, Angeli Bayani at Alessandra de Rossi bilang  Gawad Dekada Para sa Mga Natatanging Aktor at Actress awardees.



Nanalo rin ng Gawad Dekada Para sa Mga Natatanging Pelikula ang Damgo ni Eleuteria ni  Remton Siega Zuasola, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ni Alvin Yapan, Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim ni Arnel Mardoquio, Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz, Women of the Weeping River ni Sheron Dayoc, Baboy Halas ni Bagane Fiola, Tu Pug Imatuy ni Arnel Barbarona, Respeto ni Treb Monteras, Balangiga:Howling Wilderness ni Khavn dela Cruz, Buy Bust ni  Erik Matti at Babae at Baril ni Rae Red.

Tinanghal namang best picture ang Aswang ni Alyx Arumpac na siya ring nagwagi ng best director award.



Kinabog ni Alessandra de Rossi ng Watchlist bilang best actress sina Jasmine Curtis-Smith (Alter Me), Glaiza de Castro (Midnight in a Perfect World), Charlie Dizon (Fan Girl), Shaina Magdayao (Tagpuan), Bela Padilla (On Vodka, Beers, and Regrets), Lovi Poe (Malaya), Sue Ramirez (Finding Agnes) at Cristine Reyes (Untrue).

Pinataob naman ng beteranong actor na si Nanding Josef ng Lahi, Hayop sa kategoryang best actor sina Elijah Canlas (He who is Without Sin), Enchong Dee (Alter Me), Noel Escondo (Memories of Forgetting), Keann Johnson (The Boy Foretold by the Stars), Adrian Lindayag (The Boy Foretold by the Stars), Zanjoe Marudo (Malaya) at JC Santos (On Vodka, Beers, and Regrets).



Nanalo naman ang child actor na si Micko Laurente bilang best supporting actor para sa “Watchlist” samantalang ang senior actress na si Dexter Doria ang pinangalangang best supporting actress para sa pelikulang “Memories of Forgetting.”

Wagi naman bilang best animation ang “Hayop Ka: The Nimfa Dimaano Story” samantalang ang “Ola, Mijan Jumalon” ang tinanghal na best short film.

Ang Natatanging Gawad Urian naman ay ipinagkaloob sa Alfred Bauer Prize winner (Berlin Film Festival) at Golden Lion winner (Venice Film Festival) na si Lav Diaz.

Ito ang iba pang listahan ng mga nagwagi sa 44th Gawad Urian.

Best Screenplay: Lav Diaz (Lahi, Hayop)

Best Documentary: Aswang ni Alyx Arumpac

Best Cinematography: Alyx Arumpac at Tanya Haurylchyk (Aswang)

Best Editing: Joselito Altarejos (Memories of Forgetting)

Best Production Design: Darrel Manuel (Memories of Forgetting)

Best Music: Jhaye Cura at Paulo Protacio (The Boy Foretold by the Stars)

Best Sound: Corinne de San Jose (Midnight in a Perfect World)