Advertisers

Advertisers

Contractor ng DPWH projects kinotongan ng scammer gamit ang Malacañang

0 317

Advertisers

ILOILO CITY – Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang scammer na nangingikil ng milyong piso sa mga contractor na nagnanais na makakuha ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Western Visayas.

Kinilala ang naaresto na si Leonardo Acanto, 69 anyos, retired insurance agent at residente ng Barangay Tumay, Mina, Pototan, Iloilo.

Ayon kay Police Major Jess Baylon, regional chief ng Investigation Section ng CIDG Region 6, modus ni Acanto na manghingi ng daang libo hanggang milyong piso sa mga contractor kapalit ng pangako na ilo-lock in ang proyekto ng DPWH.



Ayon kay Baylon, marami na ang nagpasaklolo sa kanila hanggang sa nahuli nila si Acanto sa isang mall sa Mandurriao, Iloilo City sa pamamagitan ng entrapment operation.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Art. 315 ng Revised Penal Code (Estafa).