Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI ikinaila ni Alden Richard na fan siya ng loveteam na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
As in subaybay raw nito ang lahat ng films at serye ng dalawa.
Ngayon nga na magkapareho na sila ng home network ay may nabalita na gagawa ng project si Bea with Alden.
At umamin naman si Alden na dream niya na makasama sa work ang dalawa.
Kahit ngayon or bukas ay puwede na nga raw siya magpa-quarantine.
Game na game ito na maka-work together ang loveteam. At hindi pa naman daw nawawala ang pagka-fan boy nito sa tinuturing nitong mga idol.
Hindi na nga raw siya artista kundi fanatic ng dalawa.
Bukas naman si Alden at pinangarap talaga nito na ma-experience na maka-work ang dalawa sa project. Wish nito ay bukas na niya makatrabaho ang iniidolo na sina Lloydie at Bea.
Pero may tsika na tila umaarte at nag-iinarte raw si Bea sa mga project na binibigay ng Kapuso network.
Kaya tanong, type rin kaya ni Bea makasama si Alden? Hmmmp!?
***
Aiko nagbabu na sa book 2 ng Prima Donnas
ISA si Aiko Melendez sa nagdala ng serye na Prima Donnas as in effective ang kanyang pagiging kontrabida as Kendra.
Napaiyak si Aiko sa kanyang pagpapaalam sa Prima Donnas na naging parte na ng kanyang buhay lalo na nung sagsag ang pandemic.
Kaya sa book 2 ay pasok na ulit ang karakter ni Aiko bilang si Kendra.
Kaso muli na naman itong nagdesisyon at tila may kaway sa kanya ang pagsisilbi ulit sa kanyang mga kababayan.
Kaya ang character nitong si Kendra ay niligwak nito alang-alang sa kanyang pagbabalik-pulitika.
‘Yung nasubaybayan si Aiko bilang si Kendra sa Prima Donnas, tiyak na hahanapin nila ang aktres.
Mahusay naman kasi ang kanyang pagkakaganap sa role ni Kendra at knows ng lahat na maihahanay si Aiko sa pinakamagagaling na aktres ng bansa.
Pero dahil sa kanyang political career, babu muna si Kendra.
Well, well, well…’Yun na!