Advertisers

Advertisers

Sarah ‘fake news’ ang isyung buntis na

0 299

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NANG lumabas ang balitang buntis si Sarah Geronimo ay obviously fake news ito dahil wala pang ibinabalita si Matteo Guidicelli.

Sa dami ng nag-aabang na siya ay buntis, siguradong mabilis na kakalat agad ito sa showbiz.



Ang bago kay Sarah ay tinanggal na niya ang braces kaya lalong gumanda kapag  nag-smile. Sa mga nagtatanong kung bakit ngayon lang at her age  siya nagpalagay  ng braces, tingnan na lang ang kanyang ngipin at  talagang hahanga kayo.

Samantala, unfair naman kay Matteo na paratangan na pinipigilan daw nito si Sarah na magbalik ASAP Natin `To  dahil may TV show ang husband ni Sarah sa TV 5.



May manager umano si Sarah na siyang nagde-decide  sa showbiz career nito.

Kung sabagay kahit walang project si Sarah ay mabubuhay pa rin itong maginhawa dahil sa mga naipon nito mula nang pasukin ang  showbiz



Ang tanong ay maging hot pa rin daw kaya ang charisma ni Sarah oras na magbalik showbiz na ito.

***

Kylie nawala sa sarili sa nangyari sa dyowang si Jake

WALA pala si Kylie Verzosa sa Manila at nasa Mindoro at nagsu-shooting nang mangyari ang car chase  incident ng boyfriend na si Jake Cuenca.

Sobrang nalungkot  daw siya at hindi nakatulog nang makarating sa kanya ang nangyari sa boyfriend.

“Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari and to be really honest, sinu-shoot  ko po talaga yung Sisid nung mangyari  ang incident  na yun. And hindi ako nakatulog,” say ni Kylie sa ilang press.

“Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil  I  was so worried and it took  time po me  to know the real  story pero I just really feel bad for all parties  involved,” say pa niya.

“Sa ngayon daw ay okey na ang boyfriend ko. Jake is getting better, he`s  recovering. I`m  happy na nagte-taping siya ngayon, may show siya sa ABS-CBN,” aniya.

Ikinatuwa ni Kylie na okey na ang problema sa pagitan ni Jake at  ng awtoridad.

“Naayos naman na po, I  think the offiicial  announcement  will  be something  next  week. Okey na po. So, very unfortunate event lang siya for  all  parties,” say ni Kylie.

Sa mga panahon na yun ay magkausap daw sila ni Jake  at  talagang  tsine-check daw niya ito every hour.

“Magkausap kami and happy ako na sinasagot niya pa rin yung phone, na very responsive siya  sa akin everytime I would  call.  Tumatawag ako every hour  to check  up on him.

“I just  fully support  him and I know  he`ll  get  through  this,” say ni Kylie.

Samantala, isa sa mga pinaka-daring na pelikula ng former beauty queen  ang My Husband’s Lover na ginagampanan niya ang role na married woman pero natukso pa ring umibig sa iba.