Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SINADYA ni Karen Davila ang biriterang singer na si Angeline Quinto sa bahay nito para ma-interview para sa kanyang vlog.
Inilibot naman ni Angeline ang beteranong broadcast journalist turned vlogger sa iba’t ibang parte ng kanyang bahay tulad ng kitchen, dining area at maging sa kanyang garden.
Naikuwento rin ni Angge na sobrang nami-miss niya ang kanyang nakagisnang ina.
Kapag nga raw kumakain siya ay ipinaghahanda rin niya ang ina-inahan ng pagkain na parang kapiling pa niya ito.
Sa tanong naman ni Karen, kung naging opisyal bang naging magnobyo sila ng dating nali-link sa kanyang si Erik Santos, ani Angeline, never daw naging sila.
“Singing partner ko po talaga si Erik, isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” aniya.
Gayunpaman, sinubukan daw nila pero hindi raw naman nag-work out dahil talagang magkaibigan lang ang turingan nila sa isa’t isa.
“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa,” pagbabalik-tanaw niya. “Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo,’ kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,” dugtong niya.
Pero kung si Mama Bob daw ang tatanungin, boto raw naman ito kay Erik.
Sa tanong naman kung sino ang bago niyang inspirasyon, hindi naman ikinaila ni Angeline na may non-showbiz boyfriend na siya.
Nagsimula raw silang mag-date at nagkakilala through a common friend.
Aniya, mas bagets daw ito sa kanya.
Tungkol naman sa identity ng nasabing lalake, minabuti na lang ng singer na hindi ito i-disclose para protektahan ang privacy nito.
“Gusto ko na mas private na lang,” hirit niya. “Kasi syempre ’yung trabaho natin masyado nang alam ng publiko,” pahabol niya.
***
FDCP nabakunahan na ang humigit-kumulang na 5,000 film and audiovisual workers
Tagumpay ang programa ng Film Development Council of the Philippines sa pamumuno ng hepe nitong si Liza Diño na mabakunahan ang humigit-kumulang na 5,000 film at audiovisual workers.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng kanyang ahensiya sa local government units ng Quezon City at Manila sa kanilang #GoodJab Vax Program.”
Ang ikatlo at huling batch ng pagbabakuna ay
ginanap sa Adamson University noong Oktubre 18 na nakatanggap ng second dose ang 3,500 workers sa ilalim ng programang “Vaccine Nation is the Solution” ni Manila City Mayor Isko Moreno.
Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month noong Setyembre.
Matatandaang noong Hunyo naman, 1,500 FDCP-registered film workers ang nabakunahan sa “Bakuna Nights para sa Film at Entertainment Workers” sa Quezon City Hall Vaccination Site bilang bahagi ng programa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na #QCProtekTODO.
“With the recent developments, including our fully vaccinated film workers, things are looking up for the local film industry. This will not be possible without the help of our stakeholders who believe in the importance of our film workers’ safety especially in these trying times. Many thanks to Mayor Isko Moreno, Mayor Joy Belmonte, and their vaccination teams, as well as FDCP’s National Registry team and FDCP employees who volunteered and provided full assistance,” ani FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.