Kapwa Bicolano Na sina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan ibobotong Presidente at Bise-Presidente ng businessman-accountant na si Roger Carino
Advertisers
Ni PETER LEDESMA
BUKOD sa pareho silang Bicolano ni Vice President Leni Robredo na tumatakbong Pangulo sa 2022 National Election ay naniniwala ang kaibigan naming businessman at private accountant na si Sir Roger Carino, na kayang patakbuhin ni VP Leni ang bansa sa malinis at maayos na paraan. At sa rami ng naniniwala at sumusuporta kay Robredo ay mukhang sure winner na ito sa darating na eleksyon ngayong Mayo.
Ayon pa kay Sir Idol Roger(tawag namin sa aming kaibigan) kung ngayong VP pa lang si Madam Leni ay marami na ang naniniwala sa kanya sa iba’t ibang parte ng Pilipinas na dinadagsa ng donasyon na relief goods, gamot, face mask etc., ang kanyang opisina at alam kasi ng mga nagdo-donate na agad na naipaparating sa mga nangangailangan ang mga tulong o ayuda nilang ito.
Dagdag pa ‘yung mga cash donations na ilang bahay na naipatayo ni VP Leni para sa mga mahihirap nating kababayan. Bukod sa ibobotong si Leni ay buo rin ang suporta ni Sir Roger sa ka-tandem o VP ni Robredo na si Sen.Francis “Kiko” Pangilinan at ito ang iboboto niya sa vice presidential race. Nakikita rin daw kasi niya ang kabutihan ni Kiko at alam niyang magiging tapat itong Bise-Presidente ng Republika ng Filipinas.
***
Host Ng “Target On Air” At “Sabong On Air” Na Si Ka Rex Cayanong At Ato Ang Nagkita, Dinagsa Ng Video Birthday Greetings Na Pinangunahan Ni Pres.Duterte
Kahit bago pa lang ang segment na “SABONG ON AIR” ni Ka Rex Cayanong na mapapakinggan every Friday at 3:00 PM to 4 PM sa DZME(1530KHZ) ay marami na ang nakikinig at nanonood sa kanya at majority ay mahilig sa online sabong o ‘yung gusto ring matuto sa pagmamanok mula sa mga panauhin ni Ka Rex na breeder at bigtime sabungero.
Samantala, nitong magkaroon ng malaking event sa Online Sabong na popular dito ang PitMaster Foundation ni Mr. Charlie “Atong” Ang na tumatayong chairman kasama si Gretchen Barretto, nagkita sina Ka Rex at Atong at marami silang napag-usapan tungkol sa usong-uso ngayong laro sa online na kinagigiliwan ng ating mga Kababayan sa buong Pilipinas at iba’t ibang bansa. At mukhang close na ang dalawa sa katunayan sa pamamagitan ng video greeting ay binati si Ka Rex sa kanyang kaarawan ng pinagkakatiwalaang staff ni Atong. Posible rin na isa sa mga episode ng Sabong On Air ay maging guest nito ang controversial businessman.
Sa Nobyembre ay nakatakdang sumali ang “Sabong On Air” sa D TEAM GOLD ICONS WPC Derby, ang entry name ay Sabong On Air Ka Rex Cayanong/DZME. Yes, ilang taon na ring nag-aalaga ng mga panabong na manok sa kanyang resthouse sa Antipolo si Ka Rex na overwhelming ang video birthday greetings mula sa mga high ranking government officials led by Pres. Rody Duterte at mga artista na bumati sa birthday ng kilalang radio commentator ng “TargetOn Air.”
Narito ang ilan pa sa mga bigating pulitiko na greeters ni Pareng Rex, VP Leni Robredo, Bongbong Marcos, Sen. Ping Lacson, Mayor Sara Duterte, Sen. Bato dela Rosa, Sen. Win Gatchalian, DPWH Sec. Mark Villar, Bacoor Mayor Lani Mercado, Liloan Cebu Mayor Christina Garcia Frasco, at Arjo Atayde.
Mula sa amin dito sa Police Files Tonite, happiest birthday to you Pareng Ka Rex Cayanong.