Advertisers

Advertisers

BONG GO… THREE POINTS!!!

0 223

Advertisers

MAGMULA sa pagiging Special Assistant to the President(SAP) , naging Sdnador ng ating Republika at kung hindi magbabago ang ihip ng hangin ay tatahakin na niya ang daan patungong Office of the Vice President( OVP)upang ito ay pamunuan kapag kinasihan ng kapalaran.Mantakin mo..Three points agad!

Bull’s eye ang kanyang mga malalayong asinta literal sa basketball mula pa noon gayundin ang mga puntirya niyang adhikain bilang isang lingkod -bayan ngayon.

Mistulang isang pukol mula sa halfcourt ang swak na halos pumunit sa net ng basketball rim ang pagpasok sa pulitika ng longtime executive assistant ng noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte.



Ni hindi siya dumaan sa pagiging konsehal, kapitan, alkalde, bokal, gobernador o kinatawan kundi sapul agad nito ang pagiging Mambabatas ng Mataas na Kapulungan.

Wala man sa hinagap ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong Tesoro Go na magiging isa siyang alagad ng lehislatura na may bangkong higit 21 milyong boto at top 3 ang ranggo sa Senado na isang rainbow shot made in heaven.

Ang naging mitsa ng tadhana ni Sen.Go ay ang longshot na panalo bilang Pangulo ng bansa ni Mayor Rodrigo Duterte kung saan ay siya ang campaign sorties manager nationwide , kaya mula sa lokal na paglilingkod ay isang give and GO ang kanilang pag-angat sa serbisyong nasyunal .Hindi lang sa mga Davaoeños kundi sa Sambayanang Pilipino na ang aspeto.

Dahilan sa higit dalawang dekadang pagiging tapat ni Go kay Mayor Digong ay tuloy ang kanilang tandem hanggang Malacañang kung saan ay hinirang na Special Assistant to the President si SAP Bong Go.

Dahil may mga naglaway at nainggit sa kanyang posisyon bilang Little President o kanang kamay ay may mga pulitikong hinihila siya pababa pero sa halip ay nag-angat lalo sa kanya na umani pa ng simpatiya mula sa mamamayan dahil sa likas niyang ugaling kababaang loob ,pagiging totoo at angking karisma na minana pa niya sa kanyang angkan na printing magnate sa Davao mula Fil-Chinese ancestry.



Ang mga flagrant foul ng oposisyon ang naging dahilan ng freeshots plus possesion ni PDigong para kay SAP Go…” Sa 2019 Senador ka na!”..at nagkatotoo nga.

Nangyari nga ang iginuhit nang tadhana. “Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa kanyang blessings sa inyong abang lingkod, sa tiwala ng Sambayanang Pilipino at ni Pangulong(Rodrigo) Duterte .Di nga po ako makapaniwala na Senador na ako ngayon kaya asahan niyong gagampanan ko ng taos-puso at puro bulls eye ang aking paglilingkod para sa inyo”,pahayag ng kasalukuyang vice presidentiable na si Senator Bong Go sa UPPERCUT.

Ramdam na ng taumbayan ang pagtupad ng pangako mula nang mahalal siya noong nakaraang (2019) midterm election.

Buong bansa ay natutulungan na ng kanyang platapormang tinutupad na heathcare at social service program na tunay na MALASAKIT para sa bayan,higit ngayong panahon ng pandemya,repeal ng juvenile act law at mga batas para sa mga atleta ng bansa bilang pinuno ng Senate Committee on Sports tampok ang pagtatag ng Philippine National Academy in Sports (PNAS) para sa mga Pilipinong student athletes.

Beyond politics, si Senator Go ay isang masugid na entusiyastiko sa basketball.

Ang Management graduate ng De La Salle University na si Go ay naging manlalaro ng basketball habang nag-aaral dahil sa husay nito sa outside shooting at playmaking skills.