Advertisers
UMAABOT na lamang ngayon sa mahigit 32,000 ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin #604 ng DOH, nakapagtala pa ang kagawaran ng 2,087 mga bagong kaso ng sakit nitong Lunes, Nobyembre 8.
Mas mababa ito ng 518 kaso kumpara sa 2,605 na naitala ng DOH noong Nobyembre 7.
Dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,805,294 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang kabuuang bilang, 1.1% o 32,077 na lamang ang aktibong kaso o may potensiyal pang makahawa.
Kabilang naman sa active cases ang 64.7% na nakakaranas ng mild symptoms, 16.09% na moderate cases, 9.5% na severe cases, 5.8% na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 4.0% na kritikal.
Mayroon ding 3,510 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,728,696 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.3% ng total cases.
Mayroon pa rin namang 91 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.
Sa kabuuan, nasa 44,521 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.59% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)