Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MAY naaliw at mayroon ding dedma lang sa naging sagutan sa social media nina BB Gandanghari at Ogie Diaz.
Nagsimula ang sagutan ng dalawa nang sabihin ni BB sa kanyang Instagram video na walang kredibilidad si Ogie
Sinagot naman ito ni Ogie sa kanyang vlog at tinawanan ang mga pinagsasabi ni BB. Sinabi na hindi naman daw siya galit sa kapatid ni Robin Padilla at aliw pa nga siya rito.
Sanay na raw siya kay BB at magtataka pa nga raw siya kung pupurihin siya ng utol ni Robin.
In the first place ay willing naman daw siyang makipag-ayos kay BB dahil wala naman daw siyang galit dito.
May bago na naman sagot si BB sa kanyang latest video at sabi pa niya sa caption ay, “You`ll not hear the END of it, Ogie Diaz…you liar you..Why Robin why? Kumpare mo talaga si Ogie Diaz? Please remember….Tell me who your friends are and I`ll tell you who you are….payong kapatid lang utol..”
Binanggit din ni BB sa video ang naging interview ni Ogie kay Robin kung saan nga siya ang naging topic ng dalawa. Sa interview kay Robin ay nagpaliwanag ito sa naging tampo sa kanya ni BB.
Pero tila hindi ito nagustuhan ni BB at ang dating sa kanya ay pinagtsismisan siya nina Ogie at Robin.
Ang dapat daw ginawa ni Robin ay sa kanya (BB) sinabi ito at hindi sa panayam sa kanya ni Ogie.
“Ako ang kausapin mo, Robin. Whatever you think of me, sa akin mo sabihin. Wag diyan (Ogie), walang kinalaman sa akin yan. Ang dating kasi no`n, nagtsismisan kayo,” say pa ni BB.
Ang sagot naman ni BB sa sinabi ni Ogie na willing itong makipag-ayos.
“Naku, hindi ako makikipagbati dyan!” aniya.
Mensahe pa niya kay Robin, “mag-isip isip ka naman sa mga ginagawa mong pakikipagkumpare.”
Sa tagal nang naninirahan ni BB sa America, kailan kaya ito babalik ng Pinas? May balak pa kaya siyang magbalik Pinas?
Samantala, may nagtatanong din kung ano raw ba ang ginawa o nagawang kasalanan ni Ogie kay BB at ganoon na lang ang sama ng loob nito na mistulang suklam na suklam.
***
NGAYONG hindi na nga tatakbo sa anumang posisyon si Lipa City Congresswoman Vilma Santos sa 2022 election ay posibleng pagtutuunan niya ng pansin ang showbiz pagkatapos ng kanyang termino.
Sa latest YouTube vlog ni Ate Vi ay nagpahayag ito na, “Baka mabigyan ko na ng time yung aking showbiz life. Ksai unfortunately, nung naging public servant ako, yun ang napunta sa 3rd priority.
“So, ngayon na medyo magkakaroon ako ng time..pero tuloy pa rin ang serbisyo, ha? At saka yung tulong kung anuman ang magagawa ko in my own little way kasi public servant pa rin ako, eh,” say ni Ate Vi.
Sabi pa ng Star For All Seasons, kung magkakaroon ng chance or oras ay baka raw gumawa siya ng pelikula or teleserye or sitcom.
“Or maybe direct a movie,” say pa ni Ate Vi.
For sure ay sabik na rin ang mga followers, lalo na ang Vilmanians kapag naging seryoso na muli si Ate Vi na pagtuunan muli ang kanyang showbiz career.
Puwede rin magsama uli sila ni Nora Aunor sa isang project para sa kasiyahan ng kani-kanilang tagahanga na patuloy pa ring nagmamahal at nagtatanggol sa kanilang iniidolo.