Advertisers

Advertisers

Bumubuhos ang parangal sa pamamalakad ni Mayor Isko at Vice Mayor Honey

0 449

Advertisers

TULOY-TULOY ang pagbuhos ng mga parangal sa pamahalaang-lokal ng Maynila, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.

Sunod-sunod na ginawaran ng pagkilala ang Maynila para sa iba’t-ibang aspeto ng pagpapatakbo ng pamahalaang-lungsod kung saan direktang nakikinabang ang mga mamamayan.

Kelan lang ay ginawaran ang Maynila bilang “2021 Most Business-Friendly” local governt unit ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), na nagsabing ang pagkilala ay dahil sa pagpapanumbalik at pagpapataas ng business operations sa pamamagitan ng mahalaga at tuloy-tuloy na mga bagong aksyon, programa at polisiya.



Ang Manila Support Local Campaign, Business One Stop Shop at Go Manila App ay ilan lamang sa mga programang matagumpay na ipinatupad ni permits bureau chief Levi Facundo sa atas ni Moreno at naging dahilan upang makuha ng Maynila ang nasabing award.

Bago ang PCCI award, tatlong parangal ang iginawad sa Maynila ng Digital Governance Awards 2021 (LGUs Best Practices in Information and Communication Technology).

Ito ay ang Best in Customer Empowerment Award for ‘Connection for Inclusion’ (first place, city level); Best in LGU Empowerment Award for its COVID-19 Testing Center Web Lab-IS (first place, city level) at Best in Business Empowerment Award para sa GO Manila App end-to-end solution (2nd place, city level).

Nauna rito ay nanguna naman ang Maynila sa 2020 Highly Urbanized Cities sa 32 iba pang LGUs sa bansa batay sa Cities and Municipalities Competitive Index website ng Department of Trade and Industry (DTI). Ang CMCI ay likha ng DTI at National Competitiveness Council (NCC) sa tulong ng United States Agency for International Development.

Pinatutunayan lamang ng mga naturang parangal na tama ang tinatahak ng Maynila at lahat ng pro-people programs ay nagugustuhan hindi lamang ng mga mamamayan ng lungsod kundi maging ng national government .



Ang mga dumarating na awards sa Maynila ay bunga ng kagalingan, kasipagan at pagiging episyente ni Mayor Isko at Vice Mayor Honey.

Nakatutuwa na imbis solohin ang kredito ay sinasabi ni Mayor Isko na bonus daw niyang itinuturing ang mga nasabing parangal para sa lahat ng kanilang pagsisikap.

Tuwing makatatanggap ng parangal ay agad din niyang ibinabalik ang lahat ng kredito sa mga kasamahan nilang kawani kaya naman ang mga empleyado ay ganadong sumuporta sa lahat ng kanilang programa.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.