Advertisers
HINDI na naiuwi ng isang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang pasalubong niyang milk tea sa pamilya nang gumewang ang motorsiklo, masagasaan at takbuhan ng isang tricycle sa Caloocan City Martes ng gabi.
Ang biktima ay nakilalang si Jimmy Santiago III, 21 anyos, broadcasting student sa PUP.
Ayon sa ulat, 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Langit Road, North Caloocan.
Galing si Santiago sa pagbili ng milk tea na pasalubong sana nito sa kanyang pamilya nang gumewang ang kanyang minamanehong motorsiklo.
Sa kasamaang palad, may nag-overtake na tricycle sa isa pang tricycle malapit sa lane at nahagip ang biktima, natumba ang motor at tumilapon si Santiago.
Hindi manlang tiningnan ng driver ng nasabing tricycle ang biktima na humarurot patungong Phase 2, Bagong Silang, ng lungsod.
Blangko pa ang pulisya kung sino ang driver ng nasabing tricycle.