Advertisers
DINAKIP ang cult leader ng isang religious group sa bayan ng Asturias, Cebu bunsod ng alegasyong panggagahasa sa dalawa nitong miyembro.
Sinabi ng National Bureau of Investigation-Central Visayas (NBI-7) na may dalawang kaso ng rape si Tedorico Feriol, kilala ring Brod Doring, Tatay at Master sa organisasyon.
Ayon kay Agapito Gierran ng NBI 7, ang isa sa mga biktima ay nasa 17 anyos palang na nagsilbi kay Feriol; habang ang isa ay 32 anyos.
Sa imbestigasyon ng NBI, lumutang ang iba pang naging biktima ni Feriol na kababaihan.
Sinabi ni Gierran na nagpapanggap na faith healer ang suspek para makadagit ng mga kababaihan na magpapagamot sa kanya.